Larawan mula sa 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (SOU-MG)
- Advertisement by Google -

Apat na indibidwal, kabilang ang tatlong itinuturong empleyado ng lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point, ang inaresto ng mga awtoridad na nagma-mahjong sa isang bahay sa District 1 sa Barangay Poblacion, noong July 24.

Sa ulat mula sa 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (SOU-MG) ng Palawan, ang mga inaresto ng Special Operations Unit (SOU) Balabac-Brooke’s Point Mobile Station ay ang may-ari ng bahay na si Merced Arcely, 62, at ang mga kasamang sina Maria Elena Toledo, 52; Razul Terre, 60; at si Joie Piramide, 58.

Ang operasyon laban sa ilegal na sugal ay ikinasa matapos may mag-report sa awtoridad, ayon kay P/Cpt. Anna Abenojar.

“May mga reklamo kasi sa Brooke’s Point Mobile Station, tapos binantayan nila ng mga isang linggo ang lugar–nagmanman talaga sila, para masiguro na tama ang mga sumbong na laging may sugalan doon sa lugar. Kaya noong Linggo, pinasok na nila, at naabutan nga doon na aktwal na nagsusugal itong mga suspek, na ang tatlo pa nga ay mga empleyado ng munisipyo,” pahayag ni Abenojar, tagapagsalita ng SOU-MG,

- Advertisement -

Nasamsam din ng mga awtoridad ang ilang gambling paraphernalia, kabilang ang 153 mahjong tiles, 12 chips na kulay green, limang piraso ng chips na kulay red, isang pirasong chip na kulay blue, dalawang dice, isang mahjong table, apat na upuan, at P13,500.00 na bet money.

Kakaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Act ang mga suspek.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleInLife offers customizable life insurance plan
Next articleQCPD files murder raps vs. Ateneo shooter
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.