Ang pangatlong batch ng mga dating gumagamit ng ipinagbabawal na droga na sumailalim sa programang Community-Based Drug Treatment and Rehabilitation Program (CBDRP) ng Balabac.

Nasa dalawampung mga dating gumagamit ng iligal na droga ang sumasailalim sa Community-Based Drug Treatment and Rehabilitation Program (CBDRP) na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan bilang bahagi ng Community Enhancement and Livelihood Program sa Sitio Marabon, Barangay Bancalaan sa bayan ng Balabac.

Ang mga ito ay pangatlong batch na sumasailalim sa programa na nagsimula noong July 14 at magtatagal ng apat na buwan hanggang Oktubre.

- Advertisement -

Ang programa ay inilunsad ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng CELP katuwang ang pamunuan ng Barangay Bancalaan sa pangunguna Punong Barangay Rolly Reyes kasama at sa pakikipagtulungan ng Marabon Patrol Base ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagkaloob ng libreng gupit sa mga kalahok.

Sa inilabas na pahayag ng Provincial Information Office ngayong Biyernes, Hulyo 30, layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga PWUDs (persons who use drugs) upang magkaroon ng pag-asa at at mabigyan ng ikalawang pagkakataong mapabuti ang direksyon ng buhay.

“Ang mga partisipante ay isinasailalim sa mga aktibidad na naglalayong matukoy at maunawaan ang mga pinagdaraanan ng mga mga PWUDs, gayundin upang mapabuti ang kanilang estadong pang-pisikal, mental, at sosyal,” ayon sa pahayag ng PIO.

“Kabilang sa mga naisakatuparang mga aktibidad sa pagsisimula ng programa ay ang pagkuha ng mga datos ng PWUDs gayundin ang pagtukoy sa estado nang paggamit ng mga ito ng ipinagbabawal na gamot. Sa pangunguna ng CELP Registered Psychometrician ay ipinapaliwanag din sa mga partisipante ang epekto ng droga sa isang indibidwal,” dagdag dito.

Kabilang din sa mga aktibidad ng programa ang pagsasagawa ng araw-araw na ehersisyo at morning meeting na bahagi ng drug treatment at rehabilitasyon.

Samantala, sa mga susunod na linggo ay pagkakalooban Provincial Health Office (PHO) ng ibat-ibang libreng medikal ang mga PWUDS.

Magssagawa naman ng libreng dental checkup ang Palawan Dental Association (PDA) na nagkaloob din ng libreng anestisya at gamot na gagamitin sa pagbubunot at pag-aayos ng ngipin ng mga PWUDs.

Previous articleUrban poor settlers eyeing to occupy vacant Iwahig property
Next articleCity government opens Balayong People’s Park
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.