No Images found.

Mga chainsaw na nakumpiska sa San Vicente, isinalin sa kustodiya ng PCSDS

Ilan sa mga nakumpiskang chainsaw ng Municipal Public Safety and Emergency Office (MPSEO) sa bayan ng San Vicente. | Mga larawan mula kay Maria Jaharah Espadilla.

SAN VICENTE, Palawan — Labing-walong piraso ng chainsaw ang nakumpiska ng Municipal Public Safety and Emergency Office (MPSEO) ng bayang ito na pinamununuan ni Orlando Estoya at isinalin sa pangangalaga ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) nitong araw ng Martes, Marso 16.

Ang mga nakumpiskang chainsaw sa mga buwan ng Enero at Pebrero ay nagmula sa mga barangay ng Port Barton kung saan siyam ang nakuha; New Agutaya, dalawa; San Isidro, isa; Sto. Niño, isa; New Canipo, dalawa, at Caruray isa.

Ayon kay Estoya, ang pagkakakumpiska ng mga nasabing chainsaw ay bunga ng kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa iligal na gawain sa bayan. 

“Ito ay resulta ng adhikain ng ating mayor na paigtingin ang kampanya laban pagsira ng kalikasan at pag-violate ng Chainsaw Act dito sa bayan ng San Vicente lalong lalo na ang protection ng ating watershed area at generally, ng ating kagubatan,” pahayag ni Estoya

Nagbigay din ng babala si Estoya sa mga iligalista na patuloy na nag-o-operate sa kagubatan ng San Vicente tigilan na ang mga gawaing nakakasira ng kalikasan.

“Refrain from destroying our environment and tulungan ang ating mayor sa gusto niyang panatilihing mayabong ang ating kalikasan,” aniya.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry