Ang coastal clean-up drive na isinagawa sa Punta Baja (Larawan mula kay Mira Chie Montaño)

Sabay-sabay na isinagawa ng 11 na barangay sa bayan ng Rizal ang 3rd municipal-wide coastal clean-up noong araw ng Sabado, September 18.

Ang taunang paglilinis sa baybayin ay isang programang binuo ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) bilang pakikiisa ng lokal na pamahalaan ng Rizal sa International Coastal Clean-up drive.

Ayon kay Anthony Lorenzo, hepe ng Rizal-MDRRMO, ang pagsama sa coastal clean-up ay isang obligasyon na iniatang sa lahat ng barangay sa bayan ng Rizal na isinasagawa tuwing ikatlong Sabado ng buwan ng Setyembre.

Dagdag niya, noong taong 2020 ay hindi sila nakapagsagawa ng coastal clean-up bunsod ng pinairal na community restrictions dahil sa COVID-19.

- Advertisement -

“2018 tayo nag start at sinundan ng 2019. Nakaraang taon,  wala tayong coastal clean-up drive dahil sa pandemya, at ito lang uli ngayong taong 2021 ng medyo nagkaroon na ng pagluwag sa ilalim ng MGCQ,” paliwanag ni Lorenzo.

“Sa Brgy. Punta Baja, nagkaroon muna tayo ng maiksing programa sa pangunguna ng mga opisyal ng ating bayan bago nagsagawa ng paglilinis. Kaalinsabay nito ay nagsagawa rin paglilinis sa kanilang mga baybayin ang iba pang mga barangay,” aniya.

Dagdag niya, nakakolekta ng mahigit 400 kilos ng mga ibat-ibang uri ng basura na kinabibilangan ng mga bulok na dahon, cellophane at mga plastic bottles sa Punta baja.

Samantala, magsasagawa rin ng consolidation report sa lahat ng mga barangay ang MDRRMO para sa mga isinagawang aktibidad kabilang na ang coastal cleanup drive at iba pang programang sumusuporta sa pangangalaga ng kalikasan upang makapili ng maaaring mabigyan ng support programs.

“May mga ibinibigay tayong bilang reward sa kanila, this year ay 500 thousand worth of Disaster Operations Center ang ibibigay sa kanila. Isa sa mga critiria yon, kasama din yoong mga disaster drills nila,” pahayag ni Lorenzo.

Previous articleNo tropical cyclone anticipated in next 2-3 days – PAGASA
Next articleOver 1,100 health workers receive accident insurance from Rep. Acosta’s office
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.