Larawan mula kay Mac Arthur Asutilla

Makakatanggap ng bagong rescue vehicles ang siyam na bayan ng Rizal sa opisyal na seremonya na gagawin sa Marso 21 bilang tugon sa pangangailangang ng mga mamamayan.

Ayon kay mayor Otol Odi, ang mga rescue vehicle ay magagamit ng mga barangay para maghatid at sumundo ng mga pasyente sa mga pagamutan sa kanilang bayan.

Nagkakahalaga ang mga ito ng P10.8 million at dumating noong Marso 15. Sa 11 na barangay ng Rizal, ang Punta Baja at Canipaan lang ang hindi pagkakalooban dahil nauna na silang nabigyan ng L300 na brand new rin na rescue vehicle.

“Bumili tayo ng mga brand new units na sasakyan para sa mga barangay na magagamit nila sa mga emergency. Mmga bago ito kaya sigurado tayo na garantisado ang maiibigay nitong serbisyo sa ating mga ka-barangay,” pahayag ni Odi.

- Advertisement -

Dagdag ni Odi, nais niyang magkaroon ng mabilis na pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga mamamayan at naniniwala siyang malaking bagay ang mga sasakyan para sa mga mamamayan upang na mahirapan sa transportasyon sa pagpapagamot.

Ang mga bagong rescue vehicle ay pinondohan mula sa 20% development fund sa taong 2021 matapos na hilingin ng mga kapitan ng barangay sa alkalde na sa unang pagkakataon ay mabigyan ang mga ito ng bagong sasakyan.

Previous articleLalaking wanted sa kasong murder arestado sa bayan ng San Vicente
Next articleU.S. Military supports medical, dental outreach in San Vicente town in Palawan
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.