Oct 28, 2020

Mga barangay officials sa Calapan, dumalo sa anti-illegal recruitment seminar

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro — Dumalo ang nasa mahigit 30 opisyales ng barangay ng lungsod ng Calapan sa kalahating araw na pag-aaral na inorganisa ng City PESO at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) hinggil sa Anti-Illegal Recruitment and Trafficking-In-Persons Campaign Seminar na isinagawa sa DWCC Audio-Visual Room noong Oktubre 1.

Ang mga opisyales ng barangay ng lungsod ng Calapan na nagtapos sa isinagawang Anti-Illegal Recruitment and Trafficking-In-Persons Campaign Seminar kasama ang mga keynote speakers mula sa POEA at mga kawani ng City PESO. (Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro — Dumalo ang nasa mahigit 30 opisyales ng barangay ng lungsod ng Calapan sa kalahating araw na pag-aaral na inorganisa ng City PESO at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) hinggil sa Anti-Illegal Recruitment and Trafficking-In-Persons Campaign Seminar na isinagawa sa DWCC Audio-Visual Room noong Oktubre 1.

Ipinaliwanag ng POEA ang mga gawain ng mga illegal recruiters pati ang kanilang modus operandi kung paano ang kanilang istilo sa panloloko ng tao.

Sinimulan ni Atty. Romelson E. Abbang ang pagtalakay tungkol sa overview ng Anti-illegal Recruitment Campaign na sinundan ni Atty. Hobart H. Chan na ipinaliwanag naman ang mga batas laban sa illegal recruitment. Dito ay nagkaroon ng tanong ang mga partisipante na nilinaw naman agad ni Chan ang mga solusyon sa mga problemang maaaring kaharapin.

Samantala, ipinagpatuloy pa ni Antonio P. Dela Cruz ang usapin tungkol sa ilang mga pamamaraan o modus operandi ng mga kawatan upang maging babala sa ating mga kababayan at ipinaliwanag din ni Atty. Kristina Marie Joy Andal ang lunas hinggil sa mga remedyong legal at serbisyo hatid sa mga OFWs.

Sa huli ng talakayan, pinaalalahanan ng mga dalubhasa sa batas na maging matalino at huwag magpaloko. Dahil dito nag iwan sila ng sampung paalala upang maiwasan ang illegal recruitment; una, tanging nasa 23 taong gulang lamang at pataas ang maaring mag-apply bilang OFW. Lumapit lamang sa mga lisensiyadong POEA recruitment agencies at mag-apply lamang sa mga otorisadong kinatawan ng ahensiya at sa tanggapan lamang nito maaring gawin ang transaksyon.

Magtungo sa mga recruitment agencies na may job orders na aprubado ng POEA. Tanggapin lamang ang alok na trabaho sa ibang bansa na may kaukulang employment/working visa o permit. Huwag tanggapin ang trabaho kung ang visa na gagamitin ay tourist o visit visa lamang. Magbayad ng pinahintulutang Placement Fee na dapat katumbas ng isang buwan na sahod.

Maging maingat sa pakikipag-transakyon sa mga training centers at travel agencies dahil hindi pinapahintulutan na mangalap ng aplikanteng nais mag trabaho sa ibang bansa. Dapat din maging mapanuri sa mga kaakit-akit na trabaho na makikita sa internet lalo na kapag humingi ng ilang mga bayarin at ang huli, huwag makipag transaksyon sa mga fixers. Makipag usap lamang sa mga kawani at tanggapan ng pamahalaan.

Ayon naman sa mga taga barangay, marami silang natutunan at maaari nila itong ibahagi sa kanilang mga taga barangay upang magbigay babala sa mga mapag samantalang kawatan ng hindi na mabiktima ng mga ito. (DN/PIA-OrMin)

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry