Nagpasalamat ang grupo ni reelected mayor Amy Alvarez at newly-elected vice mayor Ramir Pablico ng bayan ng San Vicente sa kanilang mga supporters matapos na sila ay maiproklama ng Municipal Board of Canvassers (MBOC), araw ng Martes.
“I would like to thank everybody who helped during the campaign, for their hard work and tireless support. Not only for me but for the entire team AMIR,” payahag ni Alvarez.
“Despite all the negativity and false accusations coming from my opponent and his team, the truth was always on my side. On May 9th, the people let their voices be heard. Thank you to all my supporters for giving me another chance to be your mayor. I am humbled and honored for your trust and confidence,” dagdag niya.
Ayon naman kay Pablico, makakaasa ang mga mamamayan ng San Vicente na sila ay magseserbisyo para sa kaunlaran ng bayan.
“Sama sama at tulong tulong po tayo para sa kaunlaran ng ating bayan. Bilang inyong bagong vice mayor ay gagampanan ko ang aking tungkulin sa abot ng aking makakaya. Susuportahan namin kasama ang mga Sangguniang Bayan ang mga programa ng ating mayor Amy Roa Alvarez, para sa kapakanan ng ating mga kababayan at para sa mabilisang pag-unlad ng ating bayang San Vicente” ani Pablico
“Nagpapasalamat tayo sa ating Panginoong Diyos sa pagbibigay nya ng tagumpay sa akin at sa aming grupo. Pangalawa ay nais kong pasalamatan ang mga kababayan natin sa kanilang taus pusong tulong, suporta at pagmamahal sa akin at sa team AMIR” dagdag niya.
Si Alvarez ay nahalal para sa kanyang ikalawang termino bilang alkalde ng bayan matapos makakuha ng 13,018 boto laban kay outgoing vice mayor Antonio Gonzales na nakakuha lamang ng 5,956 boto.
Nagwagi naman bilang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang kanilang line-up na kinabibilangan nina Menchie Libarra Silagan, Melvin Balesteros, Pj Acosta, Vangie Maagad, Ceasar Caballero, Boy Guapo Alejano, Tong Hikilan at Doloy Varquez (8030 votes).
Ang San Vicente ay may kabuuang rehistradong botante na 22,799.
