Humigit kumulang 1,200 na mga aso at pusa ang nabakunahan ng anti-rabies shots sa pangunguna ng Provincial Veterinary Office (PVO) kaugnay ng pagdiriwang ng World Rabies Day sa munisipyo ng Roxas noong Setyembre 28.

Kaugnay nito, isang Rabies Forum din ang isinagawa kung saan tinalakay ni Provincial Rabies Coordinator Lora Jagmis ng Provincial Health Office ang usapin kaugnay sa animal bites at iba pang hakbang sa pagbibigay ng paunang lunas sa mga kaso ng animal bites.

Layunin nito na lalo pang mapataas ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa rabies at pagsugpo rito na lubhang mapanganib sa mga tao at mga hayop.

Ayon kay Dr. Mangcucang, mahalaga ang partisipasyon ng lahat ng mamamayan upang tuluyang masugpo ang rabies sa lalawigan.

“Ang partisipasyon ng lokal na pamahalaan, komunidad, paaralan, at ng mga mamamayan ang magiging susi sa tagumpay sa pagsugpo ng sakit na rabies. Ang PVO ay nananatiling aktibo sa mga gawain sa pagbabakuna sa mga hayop laban sa sakit at gumagawa ng iba’t ibang hakbang at programa na magpapalaganap ng impormasyon sa mga mamamayan kabilang na ang responsible pet ownership,” pahayag ni Dr. Mangcucang.

Sa tala ng PVO, ang 11 mga munisipyo na naitalang rabies-free sa lalawigan ay ang mga bayan ng Coron, Busuanga, Culion, Linapacan, Cuyo, Magsaysay, Balabac, Kalayaan, Araceli, Agutaya, at Cagayancillo.

Previous articleColder weather expected due to onset of amihan season
Next articleEndriga disqualified to run for a fresh term as PALECO board member
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.