Larawan mula sa PPPO

Isang 17 taong gulang na lalaki ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Purok Maligaya, Barangay Iraan, sa bayan ng Rizal, dakong 1:40 ng madaling araw ngayong Miyerkules, Marso 16.

Sa imbestigasyon ng Rizal Municipal Police Station (MPS), tinatahak ng menor de edad na biktima sakay ng motorsiklong Honda Click ang kahabaan ng national highway sa nasabing lugar patungo sa Brgy. Punta Baja nang makabanggaan nito ang motorsiklong Euro, na minamaneho naman ni Mark Justine Abantera Cabalda, 18 taong gulang, habang angkas nito si Dexter Cuay Mamig, 24.

Ayon sa pulisya, pumasok sa linya ng Honda Click ang Euro na nag-resulta sa banggaan ng dalawa.

Agad na dinala ang tatlo sa Rizal District Hospital upang malapatan ng lunas ang mga natamong pinsala.

- Advertisement -

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima na naging dahilan nang pagkasawi nito. Siya ay idineklarang dead on arrival ng attending physician na si Dr. Pal Domine Sitcharon.

Sina Cabalda at Mamig naman ay nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at kasalukuyang nasa Rizal District Hospital.

Previous articleKatawan ng lalaking isinilid sa sako at inihulog sa bangin, kinilala
Next articlePLDT/Smart announces completion of repairs, internet signal back to normal
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.