No Images found.

Menor de edad na may patalim, isinailalim sa kustodiya ng pulis

Ang 16 anyos na menor de edad ay kinilala lamang bilang si alyas “Onyok”, residente ng Barangay Sta. Monica, out-of-school-youth, at tambay ito sa isang bar sa Brgy. San Miguel dahil umano sa kanyang trabaho bilang parking boy.

Larawan mula kay Richard Ligad at ACTF

Isang menor de edad ang itinurn-over ng mga tauhan ng Anti-Crime Task Force (ACTF) sa City Police Station 1 matapos na makumpiskahan ng patalim sa Runway Plaza sa Baranggay San Miguel noong Linggo ng gabi.

Ang 16 anyos na menor de edad ay kinilala lamang bilang si alyas “Onyok”, residente ng Barangay Sta. Monica, out-of-school-youth, at tambay ito sa isang bar sa Brgy. San Miguel dahil umano sa kanyang trabaho bilang parking boy.

Pahayag ni Onyok, hinuli siya ng mga tauhan ng ACTF dahil sa pag-aakala na sasaksakin niya ang isang security guard.

“Sabi n’ya daw po (tauhan ng ACTF), baka saksakin ko raw… pero hindi ko naman nilabas. Nakita ko lang sa may daan ‘yon (patalim), sa gilid lang ng kalsada, at saka hindi po ‘yon sa akin,” pahayag ni alyas Onyok

Si Onyok ay isa lang sa mga kabataan o mga menor de edad na naitu-turnover sa pulisya ng paulit-ulit ngunit hindi nasasampahan ng kaso dahil sa kanilang edad.

Ayon sa pahayag ni P/Lt. Douglas Sabando, mga magulang ang dapat na nagbabantay sa kanilang mga anak. kay naman sa bawat pagkakataon na mayroong nahuhuling mga minor de edad ay ipinatatawag lamang ang mga magulang, maliban na lamang  kung mayroong mga complainant na magsasampa ng kaso laban sa mga nagkasalang kabataan.

“Well, sa ganyang mga kaso po, mga minors, pinatatawag natin ang kanilang mga magulang. Dito, kinakausap natin, pinakikiusapin natin na bantayan nila lagi ang kanilang mga anak, lalo na ang mga menor de edad na hindi dapat pakalat-kalat sa mga kalye at may dala pang patalim,” sabi ni Sabando.

“Kung mayroon tayong biktima o complainant, sasampahan natin sila ng mga kaukulang kaso. And disposition kasi ng piskalya sa mga ganyang menor de edad ay pinapa turn-over po yan sa ating dswd, at ang DSWD na ang mamahala sa kanila habang sila ay wala pa sa tamang edad,” dagdag pa nito

Maliban kay Onyok may iba pang mga menor de edad na madalas nabibitbit sa police station dahil sa iba’t-ibang paglabag.

“Mayroong negligence ang magulang d’yan, kung tutuusin maaari nating sampahan ng kaso ang magulang, gawa nang sila naman talaga ang dapat na mag-disiplina sa kanilang mga anak,” sabi ni Sabando.

 

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry