Isang 13 taong gulang na motorcycle rider at isang 54 taong gulang na tricycle driver ang nasawi sa aksidente na nangyari alas onse ng gabi noong Nobyembre 8 sa Macadam Road, Barangay Rio Tuba, sa bayan ng Bataraza.

Ayon sa ulat mula sa Palawan Police Provincial Office (PPPO) sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos, ang menor de edad ay idineklarang dead on arrival (DOA) sa Rio Tuba Nickel Foundation, Inc. Hospital matapos dalhin doon ng mga rescuer, samantalang ang tricycle driver na si Dionisio Paz ay sumakabilang buhay noong sumunod na araw, Nobyembre 9.

Sa imbestigasyon na isinagawa, lumalabas na ang parehong Honda wave ng menor de edad at tricycle ni Paz ay mula sa magkaibang direksyon ng mangyari ang aksidente. Mabilis diumano ang pagpapatakbo ng menor de edad ng walang ilaw ang motorsiklo at nakabanggaan ang tricycle na minamaneho ni Paz sa lugar kung saan naganap ang aksidente.

Ang menor de edad ay may angkas na dinala rin sa ospital dahil sa mga sugat na natamo. Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang ulat hinggil sa kanyang kalagayan.

- Advertisement -

Si Paz naman ay nasawi 4:25 ng hapon sa nabanggit din na ospital noong Nobyembre 9.

Previous articleDestructive quarry operation in Narra ordered closed
Next articleBalabac MPS at “barangay police,” nagsagawa ng mangrove planting sa baybayin ng Brgy. Poblacion 6
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.