Inaresto ng mga awtoridad ang isang mekaniko sa bayan ng Narra, Miyerkules ng umaga dahil sa pagtutulak ng shabu.

Kinilala ito ng pulisya na si Joel Calso Pascual, 52, naninirahan sa Camias Street, Barangay Poblacion.

Naaresto si Pascual matapos makabili ang mga tauhan ng Narra Municipal Police Station at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng isang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P500.

Matapos ang buy-bust nakakuha pa ang mga awtoridad ng apat pang sachet ng pinaghihinalaang shabu mula sa suspek.

Nakumpiska din ang isang coin purse at motor na ginamit nito.

May kahaharaping kaso ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

 

About Post Author

Previous articleIncrease in 2019 Pag-IBIG membership recorded in Puerto Princesa
Next articleShellfish ban still up in Puerto Princesa Bay
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.