Shortage sa supply ng isda ang pamilihan matapos na mag-off season ang ilang mangingisda. (File Photo)

Maghihigpit ang Municipal Economic Enterprise and Development Office (MEEDO) ng bayan ng Quezon sa pagbabantay sa magiging galaw ng presyo ng isda sa pamilihang bayan ngayong buwan ng Enero.

Ayon kay Atty. Ryan Pacabis, head ng MEEDO, nagsimulang magkaroon ng shortage sa supply ng isda ang pamilihan matapos na mag-off season ang ilang mangingisda partikular ang mga basnig operators na magtatagal hanggang buwan ng Marso, dahil sa malakas na ihip ng hanging dala ng amihan.

“Maaaring sa ganiyang buwan, imo-monitor natin lahat. Off season ng basnig dahil amihan ngayon, kaya kaunti ang supply natin,” pahayag ni Pacabis.

Dagdag niya, ang ilang fish vendors ay nag-a-angkat na lamang ng kanilang binibentang isda mula sa mga karatig munisipyo ng Narra at Sofronio Española.

- Advertisement -

Aniya, maaaring makaapekto ito sa presyo ng isda sa pamilihan na mararanasan ng mga mamimili hanggang Marso, ngunit titiyakin ng kanilang opisina na masusunod ang nakatakdang presyo na nakapaloob sa Municipal Ordinance no. 2021-238.

Ang nasabing ordinansa ang nagtatakda sa presyo ng karne, isda at iba pang mga produktong ibinibenta sa pamilihang bayan.

Panawagan ni Pacabis sa mga mamimiling nais magtanong ng tamang presyo ng isda, at magreklamo kung makakaranas ng overpricing, magtungo lamang sa kanilang opisina o sa Business Permit and Licensing Section upang mapakinggan din ang kanilang karapatan bilang mamimili.

Previous articleLaw making adoption process easier for Filipino children signed
Next articleKatawan ng lalaki natagpuan sa baybayin ng Brgy. Mangsee sa Balabac
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.