Nagsagawa ng medical mission ang Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng Sofronio Española sa mga lugar na nasalanta ng malawakang pagbaha noong unang linggo ng Enero.

Dito ay namigay ang opisina, katuwang ang Community Pediatric Society of the Philippines- Palawan Chapter, Provincial Health Office, Provincial Department of Health Office at lokal na pamahalaan ng Sofronio Española ng mga serbisyong medikal at ilang mga relief goods.

“Namigay kami ng gamot, milk and choco powder, bednets, water container with purified water, sleeping mat at blanket sa mga na assess na may need,” ayon kay Municipal health Officer Dr. Rhodora Tingson.

Ayon kay Tingson, mahalagang mabigyan ng tulong ang mga nasalanta ng baha lalo na ang pagbibigay sa mga ito ng mga libreng gamot at mga malinis na inuming tubig. Samantalang magagamit naman ng mga evacuees ang libreng kulambo upang makatulong sa pag iwas sa kagat ng lamok at mga sakit na dulot nito sa mga evacuation center.

Kabilang sa mga lugar ang nabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan ay ang Pulot Center area, Sitio Bancudo Shore at Malalong na lubhang naapektuhan ng pagbaha.

Matatandaang nasa 1798 individuals o 420 families ang apektado ng baha sa bayan na ito na mula sa Barangay Iraray, Pulot Center, Pulot Interior at Punang batay sa datos ng MDRRMO.

About Post Author

Previous articlePALECO rolls off patronage refund to consumers
Next articlePrice freeze to aid Palawenos affected by the recent flooding sought
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.