Culion municipality. | Photo by Marsmux through Wikipedia.com

Inihahanda ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang kanilang 14 na Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) sa bayan ng Culion sa pamamagitan ng pagbisita at pag-audit sa kapasidad ng mga ito.

Ayon kay Armando Lagrosa, hepe ng MDRRMO, layong malaman ng kanilang opisina ang kakayanan ng mga BDRRMC sa pagharap sa mga sakuna at kalamidad na posibleng tumama sa kanilang bayan.

“Our local chief executive [Mayor Ma. Virginia De Vera,] ang ating butihing mayor ay nagbigay sa amin ng directive na kailangang bantayan ng ating MDRRMO ang ating mga BDRRMC and how they implement yong disaster management on thier part doon sa ground and to empower them on how they will be able to perform what is expected to them in relation to disaster management,” sabi ni Lagrosa.

Ilan sa mga tinitingnan ng MDRRMO sa mga barangay ay ang kanilang mga BDRRMC corner at bilang ng kanilang mga Emergency Response Volunteers (ERV).

“Sa BDRRM corner, dapat nakalagay anong meron sila o wala pa, mga rescue equipments, data, plan, inventory custodians, mga files at syempre dapat mayroon din silang quarterly meeting, from this, we may assist them kung effective yong ginagawa nila at kung ano pa ang mga dapat gawin,” ayon kay Lagrosa.

“Atleast 4 na ERV ang dapat meron sa BDRRMC natin, which is capable sa mentoring at training natin, katulad ng Search and Rescue at Standard First Aid Training, at pagturo na rin sa kanila ng weather reporting mula sa kalagayan ng kanilang mga komunidad sa panahon,” dagdag pa niya.

Matapos nito ay kanila umanong ilalabas kung anu-anong mga barangay ang maituturing nang “established” pagdating sa disaster management at sa darating na Marso 3-4 ay isasagawa nila ang mentoring at coaching para sa mga magiging established BDRRMC at ERVs.

“All training coming from us naman po, included our SAR [search and rescue] at Standard First Aid Training para sa kanila, sakali na okay na ito, sila na ang magiging katuwang ng MDRRMO sa panahon ng sakuna, kalamidad o trahedya kung sakali man,” sabi ni Lagrosa.

Samantala, sisikapin rin umano ng kaniyang opisina na mailapit sa Local Government ang pagbibigay ng insentibo para sa mga ERV.

Sa kasalukuyan, limang Barangay na ang natapos ng MDRRMO na kinabibilangan ng Bgy. Carabao, Halsey, Burabod, Galoc at Luac kung saan aasahang matapos hangang Marso 2 ang nalalabing siyam (9) pa na barangay.

“Inuna lang po namin yong mga malalayong barangay talaga na mahirap maikot talaga, ito po yong mga GIDA [Geographically Isolated and Disadvantaged Areas], at sana maganda yong weather natin para matapos natin ito,” sabi ni Lagrosa.

About Post Author

Previous articleImplementation of city towing ordinance facing delay
Next articleCapitol reports providing burial assistance to 1,996 Palaweños last year
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.