- Advertisement by Google -

Dalawang grupo ng mangingisda na gumagamit ng ipinagbabawal na compressor at nangingisda ng walang pahintulot sa loob ng municipal waters ng Linapacan ang naaresto noong July 24 sa operasyon laban sa illegal fishing na pinangunahan mismo ni Mayor Emil Neri, kasama ang mga pulis.

Unang naaresto bandang 11:30 ng umaga ang grupo nina Ambrosio Garcia Limboc, boat captain, 37; Felix De Catro Dacillo, 47; at Marlex Umandal Mananquil, 32; at 57 crew members pa ng mother vessel nila. Ang mga ito, ayon sa ulat ng Police Provincial Office (PPO) sa Palawan, ay mula pa sa Barangay Wawa, Nasugbo, Batangas.

Sila ay hinuli dahil sa paglabag sa Section 31 ng Article V ng Municipal Ordinance No. 2020-137, Series of 2015, na nagbabawal sa pangingisda sa territorial waters ng Linapacan.

Ayon sa PPO, nagsasagawa sina Mayor Neri ng barangay visitation sa Brgy. Cabunlawan, partikular na sa Canaron Island, nang makasalubong nila ang isang pulang motorized banca na Delbert 3 na may sakay na 60 na mangingisda na gumagamit ng compressor na ipinagbabawal sa ordinansa ng bayan.

- Advertisement -

Gumagamit din ang mga ito ng lintigan, isang modified form ng muro-ami fishing.

Sumunod naman na naaresto bandang 12:20 p.m. sa kaparehong lugar din sa Linapacan ay ang grupo nila Severano Saies Martinez, 64; Adolfo Villaceran, 50; Dennis Ticaro, 45; Benidect Fillar, 38; Frederick Fillar, 32; Biboy Ticaro, 35; Jay Ar Fillar, 42; Nano Villaceran, 28; Baby Villaceran, 28; at Duan MNU Villaceran, 32. Lahat sila ay residente ng Brgy. Suba, Cuyo.

Nahuli naman sila habang pabalik na sina Mayor Neri sa sentro ng Linapacan. Naaktuhan ang bangka nila na Queen Vinamar 8, na nag-ho-hook and line fishing sa loob ng municipal waters.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleResolusyon sa paggamit ng wikang Pilipino sa Agosto, ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan
Next articleAirlines urged to increase domestic service, revive international flights to Palawan