No Images found.

Mayor Feliciano nagpaalaala sa mga kawani ng pamahalaan na maging modelo ng sambayanan

Municipal Hall of Brooke's Point, Palawan

BROOKE’S POINT, Palawan – Pinaalahanan ni Mayor Mary Jean Feliciano ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na maging modelo sa paglilingkod lalo na sa pagsunod ng mga alituntuning ipinapatupad sa bayang ito.

Sa naganap na flag ceremony noong February 15, 2020, sa liwasang bayan, sinabi ni Feliciano na nakakahiya umano kung sa mismong munisipyo pa magmumula ang magiging banta sa kalusugan ng nakakarami.

Ipinunto nito ang naging mainit na usapin kamakailan sa nag-positibong kaanak ng isang kawani ng pamahalaan na hindi naging tapat tungkol sa kanilang travel history kung kaya’t lubhang nakaapekto sa boong bayan ng Brooke’s Point.

“Dapat ay maging modelo tayo sa pagsunod ng mga health protocols dahil wala nang susunod sa atin kung makita nila sa ating hanay na tayo mismo ay hindi sumusunod sa ating mga ipinapatupad,” pahayag ni Feliciano.

“Nakakahiya na manggaling dito sa LGU ang maging treat sa bayan natin,” dagdag pa niya.

Samantala, matapos na magpaalaala ay binuksan naman ng alkalde ang usapin sa 3n1 Palawan.

Diretsahang nagpahayag si Mayor Jean ng kanyang pagsang-ayon sa paghahati ng lalawigan ng Palawan dahil aniya, malaking oportunidad sa mga mamamayan ng Brooke’s Point at karatig bayan nito kung sakaling maisakatuparan ang paglalagay ng kapitolyo sa bayan bilang capital ng Palawan Del Sur.

Pinahayag pa niya na  malaki ang kaibahan  ng maliit at malaking  pamilya. Kung sakaling mahati sa tatlo ang Palawan,  tinitiyak nya na magiging mas mabilis ang  pagunlad nito dahil  mas maiibibigay na mga liderato ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan.

Sinabi niya rin na hindi umano pulitika lamang ang 3n1 Palawan kundi ito ay ang kinabukasan ng mga mamayan.

“Hindi po ito about sa politics,  kundi ito ay para sa kinabukasan ng Brooke’s point,” pahayag ni Feliciano.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry