Larawan mula sa Busuanga Public Information Facebook Account.
- Advertisement by Google -

Suportado ni Mayor Elizabeth Cervantes ng Busuanga ang iba’t ibang panukala ng Department of Environment and Natural Resources-Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO) Calamianes para sa magandang ugnayan ng lokal na pamahalaan sa naturang ahensiya.

Ayon kay Cervantes, isa sa mga mahahalagang panukala ng DENR-CENRO Calamianes sa pamumuno ni Rodney Verian, matapos itong makipagpulong at mag courtesy call sa kaniya noong June 28, ang pagkakaroon mismo ng opisina sa Busuanga upang tugunan ang mga usapin at problema ng mga tao sa lupa at iba pang usaping pangkalikasan.

Pahayag ni Cervantes, sisikapin ng lokal na pamahalaan na makapaghanap ng puwedeng maging opisina ng DENR-CENRO Calamianes sa kaniyang bayan sa lalong madaling panahon.

“Dahil dito, mas malapit na ang tanggapan ng DENR-CENRO para sa pag aasikaso ng mga kailangan ng mga Busuangeños,” sabi ni Cervantes.

- Advertisement -

Hiniling din ng DENR-CENRO ang pagkakaroon ng MOPA o Memorandum of Partnership Agreement sa LGU na naglalayong magtulungan ang DENR at LGU para sa mas maayos na pamamahala ng mga lupain na nasasakupan ng Busuanga, bagay namang bukas ang isipan ni Cervantes para dito.

Dagdag ng nasabing alkalde, mas mainam aniya na bukas ang kamay ng LGU sa ahensiya ng DENR dahil ito aniya ang instrumento at kakampi ng bawat punong bayan para protektahan ang karapatan ng mamamayan sa usaping lupain, pangangalaga sa kalikasan at marami pang iba.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleBataraza to enhance pineapple production
Next articleFDA Philippines: Lucky Me! Instant Noodle variants safe for human consumption
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.