Pinabulaanan ni Busuanga Mayor Elizabeth Cervantes na nagpapadala siya ng text message sa mga punong barangay at ilang negosyante sa kanilang bayan para humingi ng pera.

Binigyang babala rin ni Cervantes ang mga ito na huwag basta maniniwala kung makakatanggap ng isang text gamit ang kaniyang pangalan.

Ayon kay Cervantes, nitong unang linggo ng Pebrero, may mga text na inilapit sa kaniyang opisina na nagsasabing humihingi siya ng suhol sa ilang mga kapitan at dapat na ibigay sa isang komentarista sa isang lokal na radyo sa lalawigan ng Mindoro.

“Nakuha ko ang number at mga kopya ng text, humihingi ng pera sa mga kapitan gamit ang pangalan ko at ipapadala ko daw sa isang radio anchor. Di ko na babanggitin ang pangalan ng anchor na ito sa Mindoro. Iniingatan ko naman dahil baka ginamit lang din yoong pangalan ng anchor na yon,” pahayag ni Cervantes.

- Advertisement -

“Malinaw na scam ito gamit ang pangalan ko upang siraan ako. Panloloko ito,” dagdag niya.

Paliwanag niya, iisang opisyal lamang na numero ng kaniyang cellphone ang kaniyang ginagamit sa lahat ng kanyang mga transaksyon bilang punong bayan ng Busuanga maging sa kanyang mga pamilya at kalapit na kaibigan.

Dagdag niya, maaaring ito ay politically motivated upang sirain ang kaniyang kandidatura sa nalalapit na eleksyon.

“Malakas din ang kutob ko na may kaugnayan ito sa eleksyon, pero wala po akong binabanggit na pangalan. Ang akin lang baka may maniwala na gamit ang pangalan ko at mabiktima ng sindikato na ito,” dagdag niya.

Previous articlePartly cloudy to cloudy skies with a chance of isolated rains over Palawan due to amihan
Next articleGoogle’s doodle honors writer Severino Reyes on the occasion of his 161st birthday
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.