Larawan mula sa Busuanga Information Office
- Advertisement by Google -

Hinikayat ni Mayor Elizabeth Cervantes ng Busuanga ang mga kapitan ng kanilang barangay, maging ang lahat ng departamento sa munisipyo, na magtipid dahil sa bumabang kita nito mula sa National Tax Allotment (NTA).

Ito ang naging pangunahing paksa sa isinagawang sa Barangay Planning and Budgeting Seminar and Workshop ng nasabing bayan, nitong Huwebes, July 21.

Ayon kay Aida Dominguez, municipal dudget officer, batay sa ipinadalang sulat ni Department of Budget and Management (DBM) MIMAROPA director Ricky Sanchez sa LGU noong June 23, ay bumaba ng 14.47% ang LGU share mula sa NTA para sa Fiscal Year 2023 Appropriation o katumbas ng nasa P32,808,933 kumpara sa P226,739,168 na kanilang nakuha noong FY 2022.

Dagdag pa ni Dominguez, ito ay dulot ng naranasang pandemya.

- Advertisement -

Samantala, ayon naman kay Busuanga Mayor Elizabeth Cervantes, malaking tulong ang nasabing workshop para sa mga barangay na magabayan sa paghahanda ng pondo sa susunod na taon.

“Hinihikayat natin ang mga punong barangay, ganoon din ang buong lokal na pamahalaan na magtipid at gamitin ang pondo ng bayan ng tama at sa mga nararapat na programa at proyekto lamang,” ayon kay Cervantes.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleCommando Brotherhood, nanawagan na baguhin ang tingin sa kanila
Next articleDalawang road projects, nag-groundbreaking sa Brooke’s Point
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.