(File photo courtesy of Palawan Provincial Police Office)

Laging nakahanda ang puwersa ng Palawan Police Provincial Office (PPPO) may banta man ng terorismo o wala, ayon sa pinaka mataas na opisyal nito.

Ito ang mensaheng ipinaabot ni PPPO provincial director P/Col. Adonis Guzman kaugnay sa ulat na inilabas ng Japanese Embassy to the Philippines tungkol sa banta ng terorismo sa anim na bansa sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas.

Kaugnay ng nasabing ulat, pinayuhan ng embahada ang mga mamamayan nito sa mga bansang Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand, Myanmar, at Pilipinas na iwasan muna pagpunta sa matataong lugar para sa karagdagan ng kanilang seguridad.

“Meron man o wala, nakahanda naman tayo sa abot ng ating kakayanan lalo na, marami tayong uniformed forces sa Palawan. Madalas din ang  pagpupulong ng ating mga intelihensya ng PNP units kasama ang ating counterparts mula sa AFP pagdating sa usaping seguridad sa buong lalawigan. Pinapaigting na rin natin ang seguridad sa ating coastlines bilang suporta sa ating Philippine Coast Guard,” pahayag ni Guzman.

Bagamat hindi nabanggit ang Palawan sa banta sa bansa, sinabi ni Guzman na mayroon silang mga binabantayan, at lahat ng posibleng daanan ng kung sino man ang maaring gumawa ng karahasan.

“All possible entries thru water and air transport yun po ang kailangan natin bantayan,” dagdag niya.

Maliban dito, nauna na ring nagpahayag ng kahandaan ang Coast Guard District Palawan (CGDPal) kaugnay sa ulat ng Japanese Embassy kung saan, sinabi nito na nakaalerto ang lahat ng istasyon sa lalawigan laban sa anumang banta ng terorismo.

About Post Author

Previous articleDND coordinates with Japan on details of terror attack advisory
Next articleInLife’s ‘Good In Life Video and Photo Competition’ highlights inspiring Filipino values
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.