Ang motor ni Emjay Galicia matapos itong mabangga ng van sa Brgy. Sta. Monica noong Pebrero 27, 2022.

Nagkaayos na si Emjay Galicia at ang may-ari ng van na nakabangga ng kanyang motor habang ito ay naka-park sa harap ng isang tindahan sa Reginio Road, Pajara sa Barangay Sta. Monica, Linggo ng umaga, Pebrero 27.

Ayon kay Galicia, kinontak na siya ng ayaw nang magpapangalan na may-ari ng van noong nasabi rin na araw, at sinabing makikipag-ayos ito sa kaniya.

Ngayong araw, Pebrero 28, sa kanilang paghaharap sa Barangay Tiniguiban, napag-alamang itinakas pala ang van mula sa car wash sa Brgy. San Jose.

“Ang van daw po itinakas ng car wash boy. Kasi iniiwan lang daw po ng driver ang van doon sa Jess Car Wash. Dito po siya nagpa-park at car wash ng van po,” pahayag ni Galicia.

- Advertisement -

Sa paghaharap ng mga ito sa barangay ay napagkasunduan na sasagutin ng carwash boy ang lahat ng gastusin sa pagpapagawa ng motorsiklo ni Galicia.

Previous articleAlvarez says air force, navy bases in Balabac will boost country’s territorial security
Next articleDemaala plans to launch online app services if elected as Narra mayor
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.