Oct 26, 2020

May 2 COVID-19 kaso na ang San Vicente

Ang isa ay lalaking ang edad ay 16 at ang isa pa ay babae na ang edad 38. Pareho silang mga locally stranded individuals (LSI) na dumating sa lalawigan noong Hulyo 29 lulan ng eroplano ng Philippine Airlines mula sa Quezon City sa Maynila

SAN VICENTE, Palawan — Hindi na COVID free ang San Vicente.

Kinumpirma ni Dr. Mercy Grace Pablico, municipal health officer, noong Hulyo 31 na may dalawang kaso na ng COVID-19 na naitala sa nasabing bayan. Ang isa ay lalaking ang edad ay 16 at ang isa pa ay babae na ang edad 38. Pareho silang mga locally stranded individuals (LSI) na dumating sa lalawigan noong Hulyo 29 lulan ng eroplano ng Philippine Airlines mula sa Quezon City sa Maynila

Sa magkaparehong araw at petsa sila na-rapid test at swab test pagdating sa lalawigan.

“Na-swab test agad sila same day at lumabas ang results noong Hulyo 30 pero ngayon lang tayo na-notify,” ayon kay Dr. Pablico

Tiniyak ni Dr. Pablico na walang dapat alalahanin ang mga taga-San Vicente dahil hindi pa naman ito nakakauwi sa nasabing bayan. Nabilang lamang ito sa San Vicente dahil taga dito ang mga ito, sabi pa niya.

Matatandaan na sa procedure ngayon lahat ng dadating sa lalawigan ay kailangan munang dumaan sa RDT sa Barangay Irawan sa lungsod ng Puerto Princesa bago sila payagang umuwi.

“Ang procedure natin yong protocols from the airport dadalhin lahat ng mga LSI at ROF natin sa Barangay Irawan for rapid test. Hindi na yon nakauwi ng San Vicente. Apat sana ang susunduin natin na taga dito kaso yong dalawa hindi na pinayagan,” dagdag ni Dr. Pablico.

Nanatili ang dalawang pasyente na taga-San Vicente sa PHO quarantine facility at asymptomatic sila pareho, ayon kay Dr. Pablico.

Nasa San Vicente quarantine facility naman ang dalawang kasabay ng mga ito sa byahe.

“Not direct contact kasabay lang sa biyahe at ngayon nasa quarantine facility natin dito sa San Vicente para sa monitoring at observation,” sabi ni Dr. Pablico.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry