Umiiral pa rin ang amihan o northeast monsoon kaya patuloy pa rin ang bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan sa Palawan, kasama na ang Kalayaan Islands, ayon sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Hilangang-silangan hanggang sa Hilaga ang iiral sa lalawigan na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.

Samantala, ayon kay PAGASA weather specialist Grace Castañeda, ang buong Luzon ay naaapektuhan ng patuloy na umiiral na amihan, maging ang ilang bahagi ng Visayas kaya maaasahan ngayong araw, Disyembre 7, ang malamig na panahon sa mga lalawigan na nasa mga lugar.

“Ang shear line naman ay patuloy na umiiral sa Silangang bahagi ng Mindanao at yong low pressure area (LPA) na binabantayan natin sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay kaninang alas tres huling namantaan,” ayon kay Castañeda.

- Advertisement -

Nasa layo itong 1,055 kilometers (kms) sa Silangan ng Mindanao. Sa loob ng 36 hours ay nananatiling mababa ang tsansa na maging bagyo ito, ngunit patuloy nila itong imo-monitor, ayon pa kay Castañeda

Ang pinagsamang epekto ng dalawang weather system ay inaasahan na magdudulot ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Previous articlePNP to coordinate with COMELEC on removal of poll tarps
Next articleAirSWIFT’s Cebu-El Nido link reactivation aims to aid in tourism economy recovery