Maaasahan sa Palawan ang maulan na panahon sa halos buong araw dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).

“Mag-ingat sa mga possibilities ng pagbaha or landslides,” ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja.

Ang agwat ng temperatura, bagama’t maulan, ay 25 degrees Celsius hanggang 30 degrees Celsius sa Puerto Princesa, at 26 degrees Celsius hanggang 31 degrees Celsius sa Kalayaan Islands.

Patuloy ang epekto ng amihan sa Northern at Central Luzon, habang may mga light to moderate rains sa Silangang bahagi ng mga ito dahil a shear line o tagpuan ng northeast monsoon at ng hangin galing sa Silangan.

- Advertisement -

Patuloy din ang pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao at mga kalapit na lugar dahil sa ITCZ na siyang tagpuan ng hangin mula sa northern at southern hemispheres.

“Base sa mga satellite animation o model ay mababa ang tsansa na may mabuong bagyo sa loob or paligid ng Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa matapos ang weekend,” pahayag nito.

Aniya, bagama’t ganito ay may posibilidad pa rin na may mabuong low pressure area (LPA) dahil sa ITCZ kung saan puwedeng magkaroon ng mga circulation.

Maaasahan ang maulap na kalangitan sa mga lugar ng Batanes, pababa ng Cagayan, Isabela, Aurora at sa Quezon province kung saan may mga light to moderate rain at thunderstorms dahil sa shear line o tail-end of frontal system.

Previous articleAngkla: Freedom of navigation is non-negotiable, develop local shipbuilding to defend WPS
Next articleIBP calls for full transparency in sale of Malampaya natural gas resource
is one of the senior reporters of Palawan News. She covers agriculture, business, and different feature stories. Her interests are collecting empty bottles, aesthetic earrings, and anything that is color yellow.