SAN VICENTE, Palawan – Muling naaitala ng sa bayang ito ang pinakamataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa isang araw ayon sa Municipal Health Office (MHO) araw ng Miyerkules, Mayo 26.
Sa huling talaan ng MHO, may kabuuang 44 na bagong kaso kung saan 23 ang positibo sa RT-PCR at 21 naman sa Rapid Antigen Test.
Ang 23 RT-PCR confirmed ay nagmula sa Barangay New Agutaya kung saan may 13, Alimanguan, apat; Port Barton, tatlo; at tag-isa naman sa Caruray, Poblacion at San Isidro.
Ang 21 naman na nagpositibo sa Rapid Antigen Test ay mula sa New Agutaya, 3, Poblacion, 12; Port Barton, 2; Alimanguan, 2, at tag-isa sa San Isidro at Sto. Niño.
Isa sa mga ito ay kasalukuyang naka-confine sa hospital samantalang 37 naman ang mayroong mild symptoms at dalawa naman ang asymptomatic.
Samantala, maliban sa mga bagong kaso ay mayoroon ding naitalang 81 suspect case na naging first degree contact ng pasyente pero negatibo sa antigen test.
Kaugnay nito, patuloy na nananawagan ang MHO sa lahat na patuloy na sundin ang mga alituntuning ipinatutupad upang labanan ang COVID-19.
“Lolobo ang cases natin dahil base sa DOH Memorandum 2021-0169, ang antigen positive ay kino-consider nang confirmed case. Kung RT-PCR lang ang babasehan, 15 kahapon naging 23 today. Walo ang nadagdag na confirmed case. Meron tayong 17 kahapon na nadagdagan ng apat na antigen positive sa ngayon,” paliwanag ni Dr. Mercy Grace Pablico. “Lahat ng measures ay ginagawa ng MHO/RHU at ibang agency bago pa man dumami ang cases. Detect, isolate, treat, disinfect, contact tracing at Information drive ay ilan lamang sa mga napakaraming ginagawa ng aming ahensya. Kaya kami ay humihilingi ng inyong lubos pang unawa,” dagdag niya.
“Ang effort ng LGU/MHO ay mababalewala kung matigas ang ulo natin. Ang mga frontliner po natin ay ginagawa nila ang kanilang makakaya sa pandemyang ating nararanasan at sana gawin din natin ang parte natin sa ating kumonidad. Maraming salamat sa mga taong nakaka-unawa, at sa iba na nagrereklamo ay bigyang panahon ang inyong sarili na mag reflect kung ano ba ang naitulong o naiambag natin sa ating kumonidad. Malaking ambag na po ang pagsunod ninyo sa ating minimum health protocols. God bless at keep safe sa ating lahat,” panawagan pa niya.
