Photo courtesy of 2nd SOU-MG.

Isang lalaki ang inaresto ng mga personnel ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group dahil sa takda sanang pagbebenta ng 55 sako ng bakawan na ginawang uling sa bayan ng Bataraza noong gabi ng ika-6 ng Pebrero.

Sa ulat na ipinadala ng maritime police, kinilala itong si Ranie Ausan Calingcag na residente ng Sitio Malatgao, Barangay Sandoval sa nasabi rin na bayan.

Ayon pa sa ulat, nakumpiska kay Calingcag ang mga sako ng uling sa bangka na kanyang gamit na walang permit at mga kaukulang dokumento.

Ito ay paglabag, sabi ng maritime pulis, sa Section 77 ng Presidential Decree 705 o mas kilala bilang Revised Forestry Code of the Philippines.

Previous articlePuerto Princesa City commuters react to trike ban implementation
Next articleSuspects in murder of 17-year-old sent back to El Nido
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.