Ang mga kawani ng 2nd SOU-MG sa Coron habang nagtatanim ng puno sa Barangay Bintuan,

Nasa 30 na puno ng Narra at 10 na puno ng Firetree ang itinanim ng mga personnel ng 2nd Special Operations Unit- Maritime Group (SOU-MG) sa bayan ng Coron sa bahagi ng Sitio Malbato, Barangay Bintuan noong Sabado, December 11.

Ang tree planting activity ay buwanang isinasagawa ng ahensya bilang pakikiisa nito sa pangangalaga ng kalikasan sa nabanggit na munisipyo. Lumahok sa aktibidad ang ilang mga kabataan mula sa Brgy. Tagumpay at Guardians Coron Chapter at ilang mga barangay officials.

Ayon kay P/Lt. Anna Viola Abenojar, information officer ng 2nd SOU-MG, ang environmental protection and conservation ay isa sa kanilang mga obligasyon at responsibilidad.

“Ang napakahalagang programang ito ay patuloy nating isasagawa upang maiwasan ang mga sakuna na dulot ng pagbaha sa ibat-ibang bahagi ng lalawigan ng Palawan na minsan ay nagiging dahilan ng kapahamakan ng ating mga kababayan,” sabi ni Abenojar.

- Advertisement -

Dagdag ni Abenojar, lahat ng kanilang hanay sa lalawigan ng Palawan ay patuloy na nakipag-ugnayan sa Local Government Unit, non-government organizations at sa mga environmental agencies upang patuloy na makapagsagawa ng pagtatanim ng kahoy bawat buwan bilang monthly activity nito.

Previous articleMarines dismiss claim female rebel being held against her will
Next articleMangingisda sa Taytay, timbog sa buy-bust operation
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.