Kinoronahan bilang bagong Mutya ng Bataraza 2023 si Maria Patricia Louise Dinoy, ang kandidata ng Brgy. Marangas, sa isinagawang Coronation Night kagabi, January 28, sa Bataraza Town Center covered gym.

Nasungkit ni Dinoy ang korona matapos niyang talunin ang nasa 22 na kandidata sa Mutya ng Bataraza pageant na bahagi ng ika-59th taon ng pagkakatatag ng bayan na itinuturing na pineapple capital ng Palawan.

Kinoranahan din bilang Mutya ng Turismo 2023 si Dainty Maceda ng Brgy, Inogbong, at Mutya ng Pinya Festival 2023 si Aera Sherlenedria Villamil na mula sa Brgy. Sarong.

Itinanghal namang 1st runner up si Joyce Biares ng Brgy. Malihud, at 2nd runner up Fel Darlene Llacuna ng Brgy. Rio Tuba.

Sa kanyang naging mensahe ay nagpasalamat si Bataraza Mayor Hj. Abraham Ibba sa lahat ng nakiisa sa mga aktibidad kaugnay ng pagidiriwang ng kanilang anibersaryo na nag-umpisa noong January 23 hanggang ngayong araw. 

“Tayo po ay taus pusong nagpapasalamat sa lahat sa pagdalo ninyo sa ating pagdiriwang, mabuhay po tayong lahat, sa committee natin at sa production, hindi po ito mangyayari na magiging successful kung hindi po dahil sa suportang ninyong lahat. Sana sa darating pang 2024, mas masaya pa ang lahat,” pahayag ng punong bayan.

About Post Author

Previous articlePhilippines to exhibit halal-certified food products at Gulfood 2023
Next articleSisterhood pact proposed between Ca Mau province in Vietnam and Palawan
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.