Sep 25, 2020

Manhunt, ikinasa para sa suspect sa patayan sa Brgy. Buenavista

Kinilala ni P/Maj. Edgar Salazar, station commander ng City Police Station 2 ang biktima na si Yves Aguilar Malate, 26, habang pinangalanan ang suspek na si Joward Angon, residente ng Purok Seaside sa nasabing barangay.

Image courtesy of Police Station 2.

 

Isang hot pursuit operation ang ikinasa laban sa suspek na sinasabing bumaril at nakapatay sa isang lalaking nasa inuman sa Purok Pagkakaisa, Barangay Buenavista, Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Maj. Edgar Salazar, station commander ng City Police Station 2 ang biktima na si Yves Aguilar Malate, 26, habang pinangalanan ang suspek na si Joward Angon, residente ng Purok Seaside sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat na naibahagi ni Salazar, nag-iinuman sina Malate at dalawa pa niyang kasama nang biglang dumating ang suspek at binaril sa kaliwang bahagi ng katawan na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Naiulat ang pangyayari alas dos na ng madaling araw Martes, matapos maiulat, agad namang rumesponde ang kawani ng istasyon at nadatnan nga ang biktima na wala na naka bulagta na sa isang upuan at wala ng buhay.

Sa kasalukuya ay hinahanap pa rin ang suspek at ang ginamit nitong bagay sa pagpatay sa biktima.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry