Ang mangroves planting sa dalampasigan ng Barangay Panacan sa bayan ng Narra noong Oktubre 18. (Larawan mula sa Barangay Panacan officials)

Tinatayang nasa 1,000 na mga mangrove propagule ang itinanim ng mga opisyales ng Barangay Panacan sa bayan ng Narra katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), Narra Municipal Police Station (MPS), mga estudyante, at guro mula sa Panacan National High School at Panacan Elementary School, sa isinagawang mangrove planting at coastal clean-up  sa dalampasigan, noong araw ng Lunes, October 18.

Sa isinagawang coastal clean-up ay nakakolekta ng iba’t ibang uri ng basura, gaya ng plastic bottles, cellophanes  at malalaking sanga ng kahoy sa baybayin ang mga partisipante.

Ayon kay kapitan Ferdinand Zaballa, provinicial ABC President at ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan, ang nasabing aktibidad ay bahagi ng taunang programa ng barangay na may kinalaman pangangalaga ng karagatan. Aniya layunin nito na magkaroon ng malinis na dalampasigan at hindi makalbo ang mangroves sa baybayin.

“Sa kabila ng pandemya, patuloy tayo sa pangangalaga ng ating kalikasan at karagatan sa ating lugar. Ito ay taunang programa ng ating barangay, katuwang ang ating mga mamamayan, mga ahensya, at iba pa,” pahayag ni Zaballa, Linggo, October 24.

- Advertisement -

Previous articleNeutralization of high-ranking NPA leaders in 2020 sparks victories for gov’t troops vs NPA in Palawan
Next articleRough sea conditions over waters surrounding Palawan due to tropical depression
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.