- Advertisement by Google -

Isang mangingisda na napaulat na nawawala sa karagatang sakop ng bayan ng Cuyo ang natagpuang wala nang buhay sa baybayin ng Sitio San Carba, Barangay Balaguen sa Magsaysay matapos ang isinagawang search and rescue operation ng mga tauhan ng Coast Guard Station-Cuyo (CGS-Cuyo) dakong 4:10 ng hapon, noong araw ng Miyerkules, Hulyo 13.

Ang biktima ay kinilalang si Randy Ontiviros, 36 taong gulang, chief engineer ng Newport Fishing Corporation, at residente ng Brgy. Calandagan, Araceli.

Sa ulat ng Cuyo Municipal Police Station (MPS), nakatanggap sila ng tawag mula sa CGS-Cuyo tungkol sa pagkawala ni Ontiviros.

- Advertisement -

Sa imbestigasyong isinagawa ng Cuyo MPS, mapag-alamang ang biktima kasama ng tatlong iba pa ay sakay ng isang motor banca at naabutan sila ng malakas na ulan kaya napilitan silang sumilong muna sa Brgy. San Carlos dakong 3:00 ng hapon.

Dahil na rin sa lakas ng alon, tumalon sa tubig ang apat upang itulak ang bangka para maiwasang bumara sa bahura subalit pagkatapos ay hindi na nakabalik ang biktima.

Matapos na makuha ang bangkay ng biktima ay nakipag-ugnayan ang Cuyo MPS sa Rural Health Unit para sa post mortem examination.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleArzaga seeks explanation on Docto election as PSU president
Next articleKalsada sa Sitio Malangsee sa bayan ng Española hiniling ng mga residente na maayos