Ang biktima sa pananaga ay kinilala na si Angelito Ariga Jabon, 35, residente ng Catbalugan City sa Samar.

Matagal nang alitan ang dahilan kung bakit isang mangingisda ng Frabelle Fishing Corporation ang isinugod sa Cuyo District Hospital (CDH) noong Linggo ng hapon dahil sa tinamong seryosong sugat sa leeg matapos tagain ng boat captain ng bangka na kanyang pinagtatrabahuhan sa Barangay Funda.

Ang biktima sa pananaga ay kinilala na si Angelito Ariga Jabon, 35, residente ng Catbalugan City sa Samar, samantalang ang suspek ay ang boat captain ng fishing vessel na White Magnolia II (Purse Seiner) na si Roniel Valdez Vigonte 38, residente ng Brgy. Rizal sa bayan ng Magsaysay dito sa Palawan.

Ayon sa inisyal na imbetigasyon ng awtoridad, nangyari ang pananaga bandang 2:30 ng hapon sa nasabing fishing vessel na naka-angkla sa Funda.

Natutulog ang biktima na si Jabon nang bigla itong pasukin sa cabin room nito ni Vigonte at tagain dahil sa matagal nang alitan. Nangyari ito pagka-uwi ng suspek matapos diumanong makipag-inuman sa Funda.

- Advertisement -

Sa pahayag ni P/Lt. Marvin Herrera sa Palawan News ngayong Lunes, August 15, sinabi nito na base sa kanilang imbestigasyon, pag-akyat ni Vigonte galing sa inuman ay naghanap agad ito ng itak at pinasok si Jabon kuwarto upang tagain.

Tinaga niya ito habang natutulog nang nakadapa. Tinamaan ito sa likod ng leeg.

“Sumuko din siya agad dito sa police station. Sabi niya, matagal na siyang nagtitimpi dito sa tripulante dahil daw kapag nagda- dock sila sa kahit saang area, katulad dito ngayon, pumupuslit ito ng isda na benibenta sa labas,” sabi ni Herrera.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa Cuyo District Hospital ang biktima na nakatakda rin na i-airlift sa Puerto Princesa.

Ang suspek naman na si Vigonte ay nasa kustodiya ng Cuyo Municipal Police Station (MPS).

Previous articleProVet appeals for public help vs entry of Asian swine fever in Palawan
Next articleInLife wins 5th consecutive Domestic Life Insurer, Marketing Initiative at Insurance Asia Awards 2021
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.