Timbog sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Quezon, sa Palawan, ang isang 38 taong gulang na mangingisda matapos makabili dito ang undercover agent ng hinihinalang shabu sa Brgy. Alfonso XIII.

Ang inaresto noong gabi ng March 4 ay kinilalang si Arturo Tineflores, residente ng naturang barangay, ayon sa Palawan Police Provincial Office.

Kakaharapin niya ang kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act, matapos siyang makumpiskahan ng nasa 0.005 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang P1,000.

Kumpiskado rin mula sa kanya ang isa pang sachet na may 0.0010 gramo ng pinaghihinalaang rin na shabu na may halagang P2,000, buy-bust money, dalawang cellphone, at isang skeleton type na motorsiklo na wala umanong plate number.

About Post Author

Previous articleBackhoe set ablaze in Taytay; WESCOM won’t confirm it is NPA-related
Next articleSearch for missing chopper, passengers expand to Malaysian waters