Isang mangingisda ang nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos saksakin sa Sitio Patuyo, Barangay San Miguel sa bayan ng Linapacan, 12:15 nang madaling-araw ngayong Lunes, September 27.

Ang biktima ay kinilalang si Alex Villanueva Velasco, 32 taong gulang, samantalang ang suspek naman ay kinilalang si Benjie Estrella Rodriguez, 46, kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Sa ulat ng Linapacan Municipal Police Station (MPS), pauwi na si Velasco matapos na makipag-inuman sa mga kasamahan nitong mangingisda at nang malapit na sa kanyang bahay ay nakita niya si Rodriguez at sinabihan niya ito na sila ay mangingisda.

- Advertisement -

Nagtanong pa umano si Rodriguez tungkol sa kabahagi niyang pera, ngunit bigla na lamang nitong sinaksak si Velasco sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan.

Ang biktima ay agad namang dinala sa Linapacan Rural Health Unit para malapatan ng lunas ang tinamong sugat samantalang ang suspek naman ay naaresto rin at kasalukuyang nasa kustodiya ng Linapacan MPS para sa kaukulang disposisyon.

Previous articleTwo hurt in vehicular accident in Brooke’s Point municipality
Next articlePPC calls for tighter restrictions, fearing possible Delta variant surge