Isang mangingisda ang inaresto ng awtoridad sa Barangay New Guinlo sa bayan ng Taytay sa buy-bust operation dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act kaninang madaling araw, December 14.

Kinilala ito ng Police Provincial Office (PPO) sa pamamagitan ng report na ibinahagi ni P/Maj. Ric Ramos na si Gilbert Lazarte Lucban, alyas Dodoy, 27 taong gulang, at residente rin ng naturang barangay.

Nakumpiska sa kanya mula sa joint operation ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at personnel ng Taytay Municipal Police Station (MPS) ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu na nabili ng undercover agent, apat pa na may street value na P9,000 at ang buy-bust money na P1,000.

Nasa kustodiya siya ng Taytay MPS para sampahan ng kaukulang kaso.

- Advertisement -
Previous articleMaritime group sa Coron, nagsagawa ng tree planting
Next articleTake precautions as PH braces for ‘Odette’, Duterte tells public
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.