SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Nahaharap sa paglabag sa fisheries code dahil sa pangingisda gamit ang dynamite sa bayan na ito.
Kinilala ito na si Riyad Balahim, 37, residente ng Sityo Padang, Barangay Pulot Shore.
Sa impormasyong ibinahagi sa Palawan News ni P/SSg. Rosbel Baleros, imbestigador ng kaso, araw ng Miyerkules, habang nagpapatrolya sila sa nasabing lugar ay napansin nila na may isang taong nag-aayos ng icebox na may lamang 25 kilos ng dalagang bukid.
Ayon kay Baleros, ang mga isda na nakuha nila ay agad na sinuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), araw ng Martes, sa munisipyo ng Brooke’s Point para malaman kung ito ay ginamitan ng dinamita.
“Dinala namin ito sa BFAR-Brooke’s Point para ipasuri ang mga isda at nag-positibo ito sa content ng dynamite fishing,” sabi ni Baleros.
“Haharap si Balahim sa paglabag sa Sec.126 ng R.A 10654 o ang violation sa fisheries code of the Philippines,” dagdag ni Baleros.