Oct 23, 2020

Mangingisda sa Simpocan, patay sa pananaksak

Ayon kay P/Maj. Edgar Salazar, station commander ng police station 2, nag iinuman ang suspek na si Orly Villaberde Carpo, 22 at tatlo nitong kasamahan nang dumating ang kaanak ng suspek at biktima sa krimen na si Alvin Dagot Villaberde, 31, na sumali sa kanilang inuman.

Isang kawani ng pulisya habang nag iimbestiga sa pagkamatay ni Alvin Dagot Villaberde sa kanyang bahay. || Imaheng mula sa City Police Station 2.

 

Namatay sa pananaksak ang isang mangingisda sa Purok Maligaya, Barangay Simpocan, Biyernes ng hapon.

Ayon kay P/Maj. Edgar Salazar, station commander ng police station 2, nag iinuman ang suspek na si Orly Villaberde Carpo, 22 at tatlo nitong kasamahan nang dumating ang kaanak ng suspek at biktima sa krimen na si Alvin Dagot Villaberde, 31, na sumali sa kanilang inuman.

Ilang minuto ang nakalipas, sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sinaksak ng suspek ang biktima sa tiyan nito. Matapos saksakin ang biktima, agad itong tumakas.

Isinugod naman si Villaberde sa satellite clinic sa Barangay Napsan, ngunit wala na itong pulso kaya’t idinala na lamang ito sa kanilang tahanan.

Matapos maiulat ang insidente sa Police Station 2, agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga operatiba na naging dahilan ng pagkakahuli sa suspek.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry