(Photo courtesy of Choi Estoya)

 

SAN VICENTE, Palawan — Nahaharap sa kasong illegal logging ang isang 37 anyos na lalaking mangingisda dito matapos masabat ng mga kawani ng municipal police station at Municipal Public Safety and Emergency Program (MPSEP) ng lokal na pamahalaan ang humigit kumulang 127.13 board feet ng mga pinutol na ipil nitong Miyerkules sa karagatang sakop ng Imuruan.
Kinilala ang mga suspek na sina Rico Reyes Tabangay, 37, mangingisda, at isang menor de edad na hindi na pinangalanan na pawang mga residente ng Purok 4 Alimanguan ng bayang ito.
Sa kwento ni Orlando Estoya, pinuno ng MPSEP ng San Vicente, nagtangka pang tumakas ang mga suspek at habang nakikipaghabulan ay pinaghuhulog nila sa dagat ang mga ipil na kahoy na kanilang dala hanggang sa ang bangkang kanilang sinasakyan ay tuluyan nang maabutan ng mga awtoridad.
“Sa huli ay naabutan din sila at kaunti na lang ang naiwang kahoy. Sa ngayon ay nasa PNP na sila for appropriate filing of a case for violation of PD 705,” pahayag ni Estoya.
Kumpiskado ang mga ipil at isang yunit ng pumpboat. Nasa kustodiya naman ng MPSEP at inihahanda na ang mga dokumento para sa regular na pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.

About Post Author

Previous articleNo safety concerns over motorcycle barriers: DILG
Next articleProv’l board members call on Palaweños to patronize own tourist spots
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.