Oct 22, 2020

Mangingisda sa El Nido, natagpuang patay

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, Sabado ng umaga nang huling makita ng pamilya nito si Joseph Dorado, may dalawang anak at residente ng lugar.

Larawang kuha ng El Nido MPS

 

Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng isang 42 anyos na mangingisda na natagpuan sa ilog ng Barangay Bucana, bayan ng El Nido, Lunes ng hapon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, Sabado ng umaga nang huling makita ng pamilya nito si Joseph Dorado, may dalawang anak at residente ng lugar.

Ayon sa panayam ng imbestigador na si P/SSgt. Jane Gonzales sa pamilya ng nasawi, wala itong nakaalitan sa kanila kaya ganoon na lamang ang pagnanais ng pamilya na malaman ang dahilan ng pagkasawi nito.

“Wala pa po kaming nakikitang motibo o dahilan ng kamatayan niya sa ngayon dahil nag-aantay din kami ng result ng SOCO,” ang sabi ni Gonzales sa panayam nito sa Palawan News, Miyurkules ng umaga.

Nasa early stage of decomposition na ang katawan ng nasawi nang ito ay makita ng isa ring mangingisda, dagdag ni Gonzales.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry