Inaresto ang isang mangingisda matapos makabili mula sa kanya ng pinaghihinalaang shabu sa Barangay Calasaguen, Brooke’s Point, bandang 11:41 kahapon, November 11.

Ang suspek na napag-alamang kabilang sa high valued target ng PNP ay kinilalang si Ona Edjing Maddian, 41.

Maliban sa nabilhan si Maddian ng isang sachet na may bigat na 1.3 grams, may tatlo pang sachets na nakumpiska mula sa kanya. Nakumpiska rin mula sa kanya ang Php4,500 na marked money, isang kilo ng bias, sigarilyo, at ang motorsuklo nitong gamit nang masakote ng mga pulis.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang kakaharapin ng suspek na nasa kustodiya na ngayon ng Brooke’s Point MPS.

About Post Author

Previous articleBamboo lodi, well-known journalist, among competitors in Ironman 70.3 Puerto Princesa
Next articleSome favorite triathlon racers add excitement to first-ever Ironman 70.3 Puerto Princesa
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.