Sep 27, 2020

Mangingisda sa Balabac, inaresto matapos makitaan ng shabu

Kinilala ang naarestong suspek na si Hji Alsuhod Juldin Alsad, 37, samantalang ang dalawa naman niyang kasama ay kinilalang sina Omar Aminulla at Madrapi Mahrali, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Isang mangingisda ang naaresto samantalang pinaghahanap pa ang dalawang kasamahan nito matapos silang makitaan ng hinihinalang shabu at paraphernalia sa isang bahay sa Barangay Mangsee, Balabac, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Hji Alsuhod Juldin Alsad, 37, samantalang ang dalawa naman niyang kasama ay kinilalang sina Omar Aminulla at Madrapi Mahrali, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report na ipinadala ng Palawan Provincial Police Office (PPO), nahuli ang suspek matapos masita nang umiikot na mga tanod at kawani ng Philippine Marines dahil sa ingay na nakakabulahaw ng mga kapitbahay.

Habang isinasagawa ang pagsita, nakita ng mga awtoridad mula sa pinto ang ilang sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at paraphernalia na nakakalat sa sahig.

Agad inaaresto si Alsad na siyang nagbukas ng pinto. Ang dalawa namang kasamahan ay agad na tumalon sa binata para tumakas.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry