Aug 11, 2020

Mangingisda patay sa pananaksak sa Inagawan

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Station 2, nag-inuman ang suspek na si Eylan Guevarra at biktimang si Myrick Abdulhalik, 32, at tatlo pa nilang mga kasama sa bahay ng isang nagngangalang Maria Sally.

Isang mangingisda ang namatay sa pananaksak matapos makipag-inuman Miyerkules ng madaling araw sa Sitio Tacduan, Barangay Inagawan Subcolony.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Station 2, nag-inuman ang suspek na si Eylan Guevarra at biktimang si Myrick Abdulhalik, 32, at tatlo pa nilang mga kasama sa bahay ng isang nagngangalang Maria Sally.

Habang nag-iinuman ay nagkapikunan ang dalawa na dahilan kung bakit nasaksak ng suspek ang biktima.

Nagtamo ng saksak sa leeg at sa iba pang parte ng katawan ang biktima na dahilan ng pagkamatay nito.

Samantala, pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad si Guevarra na agad na tumakas matapos ang pangyayari.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry