Patay na nang matagpuan si Demetrio Narciso Novero, Sr matapos pagtatagain at sasakin. Larawang mula Puerto Princesa City Police Station 2.

Patay ang isang 60 anyos na mangingisda matapos pagtatagain at pagsasaksakin pa ito nang isang grupo ng kalalakihan sa Purok Pagkakaisa, Barangay Buenavista, 12:05 ng madaling araw ng Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Demetrio Narciso Novero, Sr., habang ang mga suspek ay kinilalang sina Dennis Aguilar, Yvis Malate, Ivan Malate, Elvin Aguilar, Anthony Tamparon, Jemar Aguilar, Jhon Devera, Alex Arroyo, Roel Aguilar, at Eleodoro Aguilar Jr. na mga residente ng nasabing lugar.

Ayon kay P/Capt. Alevic Rentino, station commander ng Puerto Princesa City Police Station 2, nag-iinuman sa tabing dagat sina Novero at ang mga kasamahan nitong sina Armando delos Reyes, Jeny Boy Panday, at kanyang anak na si Demetrio Jr. ng dumating ang mga suspek at pinagbabato sila.

Agarang umalis sila Delos Reyes, Panday, at Demetrio Jr., subalit naiwang mag-isa ang biktima.

Nang balikan ng tatlo si Novero, nakita na nila itong patay dahil sa saksak at taga.

Tumakas naman at tumungo sa hindi matukoy na direksyon ang mga suspek dala-dala ang mga patalim na ginamit sa pagpatay kay Novero.

Nakita rin sa lugar na pinangyarihan ang itak na pagmamay-ari ng biktima.

Dagdag pa ni Rentino, ang mga suspek ay kilala rin sa lugar.

“Ayon din sa background ng mga suspek, kilalang loko-loko ang mga ito Buenavista. Sila ‘yong magugulo, mukhang napag-tripan lang nila itong batuhin, then hindi natin alam baka nanlaban din itong victim kaya nataga at napatay nila,” pahayag ni Rentino.

 

About Post Author

Previous articleBrooke’s Point wants Brgy. Maasin as site of proposed Capitol in Palawan del Sur
Next articleStudy of indigenous Palawan alphabet ongoing
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.