Isang mangingisda ang nakitang patay sa karagatang sakop ng Barangay Concepcion sa lungsod, araw ng Martes.

Kinilala ito ng pulisya na si Virgilio Perol na una nang naiulat na nawawala matapos umalis sa kanilang bahay noong October 4 ng madaling araw.

Ayon sa pahayag ng hepe ng City Police Station 1 na si P/Lt. Aron Elona, isang araw matapos mawala ni Perol ay dumulog sa kanilang himpilan ang pamilya nito para i-report ang pagkawala nito at humingi ng tulong para ito ay mahanap.

Bandang ala una ng hapon noong araw ng Martes ng makatanggap ng tawag ang PS1 na natagpuan ng isang mangingisda na si Errol Trinidad ang bangkay ni Perol na nakalutang sa dagat.

 

“Umalis ang biktima sa kanilang bahay noong October 4 bandang 4 a.m., but mula noon ay hindi na siya nakabalik. Sa inisyal na imbestigasyon ay nangingisda itong si Trinidad ng makita ang medyo naaagnas ng bangkay na palutang-lutang. Ang ginawa niya ay hinila niya ito at isinakay niya sa kanyang bangka,” sabi ni Elona.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pagkamatay nito ay tumanggi na ang pamilya na isailalim sa autopsy ang namatay na kaanak.

“Hindi na nag-request ng autopsy ang pamilya ng biktima na base rin sa kanila ito ay may hypertension [ito] — although patuloy ang kanilang imbestigasyon. Malaki rin ang posibilidad na inatake ito,” ani Elona.

Kaugnay nito, natagpuan naman ng ilang residente ng Barangay Langogan ang bangka ni Perol na agad ding ini-report sa Philippine Coast Guard (PCG).

(With reports from Aira Genesa Magdayao)

 

About Post Author

Previous articleRTN donates computer sets for blended learning in Bataraza
Next articlePAGASA monitoring severe tropical storm ‘Chan-Hom’ outside PAR
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.