Sep 27, 2020

Mangingisda, namatay habang nangingisda

Kinilala ni P/Lt. Ray Aron Elona, hepe ng Police Station 1, ang mangingisda na si Lito Suner, 56, at residente ng Barangay Mangingisda.

(File photo)

Isang mangingisda ang natagpuang patay lulan ng bangka nito sa karagatan ng Barangay Bagong Sikat sa lungsod, Biyernes ng hapon.

Kinilala ni P/Lt. Ray Aron Elona, hepe ng Police Station 1, ang mangingisda na si Lito Suner, 56, at residente ng Barangay Mangingisda.

Ayon kay Elona, natagpuan ng mangingisda na si Lito Al-os na walang malay si Suner sa kanyang bangka. Dinala nya ito sa baybay sa tulong ng mga residente and itinawag sa mga awtoridad.

Ayon kay Elona, walang indikasyon ng foul play sa insidente at hindi na rin humingi ng autopsy ang pamilya.

“Yong family niya nag-waiver of autopsy kasi may prior na sakit siya na hypertension or high blood. Ang family wala na ring nire-request na further investigation,” aniya ni Elona.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry