Isang mangingisda na wanted sa kasong rape ang inaresto ng awtoridad dahil sa kasong rape noong Hunyo 17 sa Sityo Canipo, Barangay Bulalacao sa Coron.

Kinilala ito sa ulat ng Palawan Police Provincial Office (PPPO) sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos bilang si Binoy Aguilar, 52, residente ng natura din na barangay.

Naaresto siya sa ikinasang joint operation ng Coron Municipal Police Station (MPS), Provincial Highway Patrol Team-Palawan, 2nd SOU Maritime Group-Coron, at 4O1stB MC, RMFB4B sa bisa ng warrant na inisyu noong Hunyo 10 ni Presiding Judge Arnel Pecundo Cezar ng Regional Trial Court Branch 163.

Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Nasa kustodiya na siya ng Coron MPS para sa karampatang aksyon.

Previous articleTabo bids MBLT-4 farewell in simple change of command ceremony in Sofronio Española
Next articleDA asked to establish mobile soil labs in 3 Palawan towns
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.