Ang suspek ay kinilalang si Jeffrey Lorenzo, 34 taong gulang, at residente ng Purok Mellinium, Brgy. Buenavista sa lungsod.

Isang mangingisda na wanted sa kasong panggagahasa ang inaresto ng awtoridad sa Barangay Montible, Puerto Princesa City, araw ng Huwebes, Disyembre 2.

Ang suspek ay kinilalang si Jeffrey Lorenzo, 34 taong gulang, at residente ng Purok Mellinium, Brgy. Buenavista sa lungsod.

Si Lorenzo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code (RPC) na may kinalaman sa acts of lasciviousness at Section 9B ng Republic Act 7610 o Special Protection aganist Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act; at multiple rape kung saan ang biktima ay isang menor de edad.

Siya ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Arlene B. Gullien ng Branch 13 (Family Court) ng Regional Trial Court na may petsang Agosto 1, 2021, at walang nakalaang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

- Advertisement -

Previous articleFujidenzo brings quality home and commercial appliances in Puerto Princesa, Palawan
Next articleEl Nido establishments reopen to welcome domestic tourists
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.