Ang bangka ng mangingisda na si Isidro Fenida (inset) ay makikitang nilalaggyan ng tali ng isang personnel ng 2nd SOU-MG upang sagipin sa tiyak na pagkasira matapos itaob ng buhawi.

Isang mangingisda na nasiraan ng bangka habang nasa laot ang nailigtas ng kapwa niya mangingisda sa karatagang sakop ng bayan ng Taytay noong araw ng Sabado, Nobyembre 27.

Kinilala ang biktima na si Isidro Fenida, 69 taong gulang, at residente ng Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG), dakong alas tres ng hapon ng Nobyembre 26 ay umalis si Fenida para mangisda at habang nasa karagatan ito, nahagip ng buhawi ang kanyang bangka na naging dahilan para tumaob at lumubog ito.

- Advertisement -
Mga personnel ng 2nd SOU-MG habang iniinspeksyon ang nakataob na bangka sa karagatan ng Taytay.

Dahil dito, 17 oras na palutang-lutang ito sa karagatan bago siya nadaanan ng mga kapwa mangingisda na nagligtas at nagdala sa kanya sa Apulit island.

Ayon kay P/Lt. Anna Viola Abenojar, public information officer ng 2nd SOU-MG, hindi naman nasaktan si Fenida matapos na madaanan ng buhawi.

“Pagtaob ng bangka, nakalangoy siya agad pataas at hindi na siya umalis sa bangka nya kaya naka-survive siya,” pahayag ni Abenojar, Nobyembre 29.

Matapos na matanggap ang ulat ay nagsagawa ng retrieval operation ang pinagsanib na puwersa ng Taytay Special Boat Unit (Taytay SBU) at Philippine Coast Guard (PCG) upang kunin ang bangka ni Fenida at dalhin itosa isla ng Apulit at pagkatapos ay kinuha si Fineda at dinala sa Poblacion.

Previous articleMore courses now available in TESDA Online Program
Next articleIsolated rains anticipated over Palawan due to easterlies, thunderstorms; LPA now a tropical depression
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.