Jul 12, 2020

Mangingisda na nagpumilit na tumawid ng checkpoint sa Narra, inaresto ng pulis

Kinilala ng mga awtordidad ang nasabing lalaki na si Cornelio Masbang Licante, mangingisda at residente ng Brgy. Panacan 2.

NARRA, Palawan — Isang 63 anyos na lolo ang inaresto ng mga pulis sa bayan na ito dahil sa pagpupumilit na tumawid ng checkpoint sa Barangay Malinao noong Sabado ng hapon at bastusin ang kapitana ng nasabing lugar.

Kinilala ng mga awtordidad ang nasabing lalaki na si Cornelio Masbang Licante, mangingisda at residente ng Brgy. Panacan 2.

Ayon sa report mula sa Narra Municipal Police Station (MPS), sakay si Licante ng kanyang topdown nang dumaan sa Barangay Quarantine Checkpoint, hiningian siya ng quarantine pass ngunit wala itong maipakita.

Sa halip ay nagbitiw ito ng hindi kanais-nais na salita kay kapitana Felomina Janiva at iba pang opisyales ng barangay at nagpumilit na dumaan kaya agad itong inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya.

Naka-detine ito sa Narra MPS ng magdamag ngunit pansamantalang pinalaya Linggo ng madaling araw dahil hindi nakapagbigay ng salaysay si Janiva.

Ayon naman kay P/Maj. Romerico Remo, hepe ng Narra police station, makakasuhan pa rin si Licante kapag nakapagbigay na ng salaysay si Janiva at ituloy nito ang reklamo. Ito ay magiging regular filing ng kasong “resistance and disobedience upon a person in authority”.

“Kakasuhan yan pero baka regular filing lang kasi si Kapitan hindi pa nakapagbigay ng statement niya. Pero nag-undergo siya ng reglamentary period niya dahil doon sa ginawa niya nakauwi na siya pero kaninang madaling araw. Ipapa-file siya pero hindi agad siya nakasuhan dahil wala ang statement ni kapitana. Titingnan din namin kung may pag-resist of arrest siya, pero sinisiguro naman namin na makakasuhan siya,” Remo said.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry